ALS Major Programs
Alternative Learning System (ALS) has four (4) major programs, namely: Accreditation and Equivalency (A&E); Basic Literacy Program (BLP); Informal Education (InfEd); and, Indigenous People Education (IPEd). These programs are based in the K to 12 Toolkit (2012) under the Reforms in ALS section.
Accreditation and Equivalency (A&E) Program is offered for literates who have not completed ten years of basic education. A & E is a certification of learning for out-of-school youth and adults aged 15 years old and above, who are unable to avail of the formal school system, or who have dropped out of formal elementary or secondary education.
After passing the A & E examination, passers have the following opportunities: enter college/university; enter other nonformal training programs; enter formal training programs; enter/re-enter the world of work; enter/re-enter elementary or secondary formal school system; and, learn essential life skills to participate more fully and actively in the political, social, and economic lives in the community. |
|
Basic Literacy Program (BLP) caters to the illiterates. It is a community-based educational program for out-of-school children, youth and adults to develop basic literacy skills.
Informal Education (InfEd) Program provides opportunities for adolescents, parents, and street
children to acquire and accumulate knowledge, skills, attitudes, and values from daily experiences at home, at work, at play, and from life itself. Indigenous Peoples (IP) Education is a program that aims to develop an IP culture-sensitive core curriculum, learning materials and assessment tools/ instruments.
|
ALS Lopez West Programs & Projects
Ang ALS Lopez West ay nagbibigay ng iba't ibang programa at proyekto ng Bureau of Alternative Learning System (BALS). Ang mga nabanggit na programa sa itaas (maliban sa IPEd) ay mayroon dito. Bukod pa sa mga nasabing programa, may mga proyekto rin ang ALS Lopez West na ibinibigay sa mga learners nito upang malinang nang husto ang kanilang kasanayan na naglalayong mapaunlad at mapaganda ang kanilang buhay.
|
Accreditation & Equivalency (A&E) Program
|
|
InfEd Skills Training ProgramMaraming iba't ibang skills training programs ang naisagawa na ng ALS Lopez West simula pa noong ito ay NFE pa lamang. Simula 2013, ang mga sumusunod na programa ay ibinibigay na sa mga learners nito. Ito ay libre sa lahat ng kagastusan at naglalayong matulungan at mapalago ang sarili at buhay ng mga learners.
1. Basic Computer Literacy 2. Welding Technology 3. Practical Computer Applications 4. Digital Arts & Illustrations 5. Hilot (Wellness Massage) 6. Basic Cookery 7. Food Processing 8. Social Dance 9. Crafts & Music Sa taong 2015, mas maraming skills training ang bubuksan pa ng ALS Lopez West. Enrol na! |
Seminars & WorkshopsMarami ring seminar & workshop activities ang isinasagawa ng ALS Lopez West. Naglalayon itong palaguin ang mga kasanayan hindi lamang ng mga learners nito kundi pati na rin nang mga guro at kawani ng kagawaran. Ang mga sumusunod ay ang mga professional development activities na naisagawa na ng ALS Lopez West:
1. Forum on Emerging Trends & Practices in Alternative Learning System (ALS) 2014 2. Essay Writing Workshop for ALS Accreditation & Equivalency (A&E) Learners 2014 3. Seminar in ALS for Education Students 2014 4. District ALS Conference 2013 |
Research & DevelopmentNaniniwala ang mga implementers ng ALS Lopez West na sa pamamagitan ng research & development projects, mas mapapa-unlad pa ang kasalukuyang mga programa at proyekto ng ALS. Simula 2013, nakapagsagawa ang ALS Lopez West ng tatlong (3) research papers na naipresenta at nailathala sa iba't ibang conference pamula sa local hanggang sa international level. Ang mga research papers na ito ay ang mga sumusunod:
1. Manifestation of Lucifer Effect among the OSY in Lopez and their Accounts of Change: The Cases of ALS Learners [Paper presented in the Research Plenum 2.0 of DepEd Quezon and TRAQ Inc] 2. Non-Passers' Reasons for Failing the A&E Exam: Basis for an Enriched Intervention and Enhanced Instruction [Paper presented in the International Conference for Teacher Education 2014] 3. The Learning Styles of ALS Lopez West Learners |
Exhibit FairsNakikibahagi rin ang ALS Lopez West sa iba't ibang gawain sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga exhibit fairs, naisusulong ng ALS Lopez West ang husay at kasanayan ng mga learners nito. Umiikot ang exhibit fair presentation ng mga learners mula sa arts & crafts hanggang sa mga livelihood skills na kanilang napapakinabangan bilang karagdagang kita sa kanilang mga hanapbuhay. Ilan sa mga gawaing inilunsad at nakibahagi ang ALS Lopez West ay ang mga sumusunod:
1. Learning Output Exhibit Fair 2014 2. Agro-Industrial Trade Fair & Exhibit 2014 3. Learning Output Exhibit Fair 2013 |
Sports DevelopmentLayon ng ALS Lopez West na magkaroon ng isang "holistically developed learners" kaya maliban sa mga literacy programs, nagbibigay din ito ng mga kasanayan at karagdagang activities sa pamamagitan ng sports. Layon nitong i-develop ang potensyal ng mga learners sa larangan ng pampalakasan at mabigyan sila ng makabuluhang pagkakaabalahan upang mailayo sila sa mga hindi kaaya-ayang bagay at gawain. Ilan sa mga programa nito sa sports ay ang mga sumusunod:
1. ALS Learners Baskerball League (Friendly Games Winner) 2. Athletics (9 learners qualify for Congressional Meet, 4 qualify for Provincial Meet, 1 qualify for STCAA) 3. Swimming (1 qualify for Congressional Meet) 4. Badminton (2 qualify for Congressional Meet) |
Income Generating ProjectsAng ALS Lopez West ay pinapatakbo ang sarili nitong mga programa sa pamamagitan ng resource generation at partnership programs. Dahil walang sariling pondo ito, Ang mga ALS Implementers ng Lopez West ay gumagawa at nagbebenta ng mga digital print shirts bilang IGP nito. Ang pondong nakakalap mula sa IGP na ito ay siyang ginagamit para sa reproduction ng learning materials maging sa panggastos sa mga InfEd Programs.
|
Civic-Oriented Projects / Community ServicesSa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, naibabahagi ng ALS Lopez West learners ang kanilang kahusayan sa iba't ibang bagay. Gaya ng pagtulong ng ALS sa kanila, ibinabahagi rin nila sa iba ang mga bagay na natutunan nila rito. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga community services na isinagawa ng ALS Lopez West learners:
1. Free Wellness Massage Service 2. Free Hair & Make-up Service |
Enrol na!
Huwag kang mag-alala, LIBRE ang pag-aaral sa ALS. Wala kang babayaran na kahit anong halaga. Halina at matuto sa iyong sariling oras at nais na paraan ng pag-aaral!
Para sa A&E Program at BLP
Sino-sino ang puwedeng pumasok dito? 1. Out-of-School Youth & Adults (OSYA) na tumigil o hindi nakapag-aral 2. OSYS na may trabaho (kahit anong trabaho) o wala 3. Myembro ng Indigenous People communities 4. Inmates, rebel/soldier integrates Ano-ano ang mga kailangan sa pagpasok dito? 1. At least ay 11 years old para sa A&E Elementary Level 2. At least ay 15 years old para sa A&E Secondary Level 3. Dalhin ang mga sumusunod: 3 piraso ng 2x2 picture with name tag; birth certificate (photocopy); at, kung mayroon, mga government-issued ID tulad ng driver's license, passport, voter's ID, SSS/GSIS ID, postal ID at NBI clearance. Kailan at saan puwedeng magpatala? Magpatala lamang sa mga ALS Implementers na nakasaad sa website na ito, o magsadya sa opisina ng ALS Lopez West: ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St., Brgy. Burgos, Lopez, Quezon O maari ring tumawag/mag-text sa CP number na 0912-615-3725. Bukas po ang ALS Lopez West Learning Center, mula Lunes hanggang Linggo. Maari ring magpatala sa pinakamalapit na Community Learning Center (CLC) sa inyong lugar. Kailan at saan puwedeng pumasok? Kapag natanggap ka na bilang isang ALS Learner, makipag-ugnayan lamang sa Learning Facilitator mo para sa schedule ng iyong pagpasok. Maari kang mag-aral sa pamamagitan ng module o umatend ng mga learning sessions na itinakda batay na rin sa iyong available na Schedule. Bukas po ang ALS Lopez West Learning Center mula Lunes hanggang Linggo para mapagsilbihan ang mga learners nito. Halimbawa: Mayroon kang hanapbuhay mula Lunes hanggang Byernes. Maari kang pumasok tuwing Sabado at Linggo. PAALALA: LIBRE po ang pag-aaral sa ALS alinsunod na rin sa patakaran ng DepEd na "No Collection Policy" . Ang ALS po ay isa sa mga Kawanihan ng DepEd. Bilang isang pampublikong institusyon, ang pag-aaral po rito ay itinakdang walang babayaran (tuition, registration, etc) ang mga mag-aaral para sa mga literacy programs (A&E, BLP). |
Para sa InfEd Programs
Sino-sino ang puwedeng pumasok dito? Maaring pumasok ang mga intresadong indibidwal sa mga iba't ibang skills training programs ng ALS. Kahit sino ay tinatanggap po para sa mga programang pangkasanayan ng ALS Lopez West. Ano-ano ang mga kailangan sa pagpasok dito? Dalhin ang mga sumusunod na dokumento para sa iyong pagkakakilanlan: 3 piraso ng 2x2 picture with name tag; birth certificate (photocopy); at, kung mayroon, mga government-issued ID tulad ng driver's license, passport, voter's ID, SSS/GSIS ID, postal ID at NBI clearance. Kailan at saan puwedeng magpatala? Magpatala lamang sa mga ALS Implementers na nakasaad sa website na ito, o magsadya sa opisina ng ALS Lopez West: ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St., Brgy. Burgos, Lopez, Quezon O maari ring tumawag/mag-text sa CP number na 0912-615-3725. Bukas po ang ALS Lopez West Learning Center, mula Lunes hanggang Linggo. Maari ring magpatala sa pinakamalapit na Community Learning Center (CLC) sa inyong lugar. PAALALA: LIBRE po ang pag-aaral sa ALS alinsunod na rin sa patakaran ng DepEd na "No Collection Policy" . Ang ALS po ay isa sa mga Kawanihan ng DepEd. Bilang isang pampublikong institusyon, ang pag-aaral po rito ay itinakdang walang babayaran (tuition, registration, etc) ang mga mag-aaral para sa mga skills training programs. Para sa mga iba pang programa ng ALS Lopez West
Maari kang lumahok sa iba pang programa at proyekto ng ALS. Kung ikaw ay isang learner at alumni, maari kang dumalo sa mga iba pang pagsasanay tulad ng mga seminar. Kung nais mo namang dumalo o magpadalo kahit hindi learner, welcome na welcome kayo sa ALS Lopez West. Makipag-ugnayan lamang sa mga contacts na matatagpuan sa website na ito. |
Magpatala ka na! |
Mayroon ka bang Katanungan? |
|
|
A L S L O P E Z W E S T
ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St. Brgy. Burgos, Lopez, Quezon * 0912-615-3725 * [email protected]
Site Developed by Learners' Web Development Team (c) 2014
ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St. Brgy. Burgos, Lopez, Quezon * 0912-615-3725 * [email protected]
Site Developed by Learners' Web Development Team (c) 2014