Partner tayo!
Bakit kailangan ng partnership programs sa ALS? Ang ALS ang nagsisilbing tulay upang bigyang pag-asa ang mga kababayan nating nasa marginalized sectors sa pamamagitan ng pagdadala ng libreng edukasyon patungo sa kanila. Walang sapat na kapasidad ang ALS Lopez West upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga kababayan natin. Inyong tunghayan ang mga datos na nasa ibaba upang makita at malaman ang kalagayan nito:
Taon-taon, umaabot sa 400 na mag-aaral ang kumukuha ng literacy programs sa ALS Lopez West. Sa taong 2014, nakapagtala naman ito ng mahigit 200 learners na nakatapos sa iba't ibang skills training programs nito. Sa Partial Community Mapping na isinagawa ng ALS Lopez West noong May 2014 para sa Abot-Alam Program, naitala ang mga sumusunod na bilang ng mga OSY, edad 15-30, na nangaingailangan ng mga sumusunod:
(a) 426 OSY na hindi pa nakakapagtapos ng elementary o high school; (b) 298 OSY na nangangailangan ng livelihood programs; at, (c) 831 OSY na nangangailangan ng skills training o entrepreneurship programs. |
Ang ALS Lopez West ay walang sariling pondo o pinansyal na kapasidad upang palaguin at patakbuhin ang mga programa nito. Nangangailangan ang ALS ng bagay na ito upang makapagbukas ng maraming proyekto na makakatugon sa pangangailangan ng mga learners nito. Ang pagdaragdag teachers na maaring magturo sa ALS sa iba't ibang barangay ay nangangailangan ng kaukulang pondo para sa honorarium nito. Ang mga learning materials ng mga learners ay nangangailangan din ng kaukulang halaga. Ang pagbubukas din ng mga libreng skills training ay nangangailangan ng kaukulang pondo para sa pagbubukas at pagpapatakbo nito.
|
Binubuo ang ALS Lopez West ng tatlong (3) Regular Teachers ng DepEd. Mayroon ding dalawang (2) contractual teachers ang ALS na kasama sa pagpapatakbo ng mga programa at proyekto nito. Sa ALS, ang regular teacher-learner ratio ay 1 : 75. Ang mga contractual teachers naman ay 1 : 50 ang ratio.
|
Paano nagagawa ng ALS Lopez West na matugunan ang mga nabanggit na pangangailangan nito?
Simple lang, dahil sa mga tulong na ibinibigay ng partners at service providers nito. Ang sama-samang pagkilos at pagtulong ang nakapagpadaloy ng mga programa ng ALS na siya namang napakinabangan ng mga learners nito. Ngunit hindi rito natatapos ang lahat. Kailangan pa ng mas maraming partners at providers upang lubos at higit na matugunan ang mga pangangailangan ng ating kababayan.
Simple lang, dahil sa mga tulong na ibinibigay ng partners at service providers nito. Ang sama-samang pagkilos at pagtulong ang nakapagpadaloy ng mga programa ng ALS na siya namang napakinabangan ng mga learners nito. Ngunit hindi rito natatapos ang lahat. Kailangan pa ng mas maraming partners at providers upang lubos at higit na matugunan ang mga pangangailangan ng ating kababayan.
Paano tumulong sa mga OSCYA sa pamamagitan ng programa ng ALS?
Be a Volunteer Teacher!
Maaaring mag-volunteer teacher sa ALS, full time (5 beses sa isang linggo) o part-time (1 o 2 beses sa isang linggo/buwan/taon). Pwedeng maging volunteer sa mga literacy programs ng ALS. Kung ikaw naman ay isang skilled professional, maaari kang magturo sa mga skills training program ng ALS. |
Sponsor our Programs
Maraming programa at proyekto na maaring i-sponsor sa ALS Lopez West. Ang mga literacy at skills training programs nito ay lubos na nangangailangan ng tulong upang mas mapalago at mapalakas pa ito. Maaring mag-sponsor ng honorarium para sa mga addtional na teacher ng ALS. Maari ring magpondo ng isang skills training program o seminar-workshop para sa mga ALS learners. Pwede ring magpahiram |
Donate to us!
Hindi lamang sa pinansyal na bagay maaaring maggawa ang pagtulong. Bukas ang ALS Lopez West sa mga donasyon tulad ng mga aklat, school supplies/materials, kagamitan sa mga skills training, ads/posters materials, office materials, computers & printers, office improvement materials at marami pang iba. |
Support our IGP
Mayroong mga Income Generating Projects (IGP) ang ALS na maaaring tangkilikin. Noong 2012 ay naglunsad ito ng isang battle of the bands at pamula 2013-2014 ay digital print shirt production naman ang IGP ng ALS Lopez West. Maliban sa t-shirt printing & design, gumagawa rin ang ALS Lopez West ng processed foods mula sa mga lokal na produkto. |
Provide livelihood / employment
Upang madagdagan ang kita ng mga learners, naglulunsad ang ALS ng iba't ibang livelihood training na maari nilang pagkunan ng dagdag kita. Maaari ring magbigay o magrefer ng mga trabaho sa aming mga learners at A&E passers na makakatulong sa kanilang sarili at pamilya. |
Give Scholarship to A&E Passers
Maraming mga A&E passers ang ALS Lopez West ang kaagad nagtatrabaho pagkatapos pumasa sa A&E program. Bibihira lang din ang nakakapagpatuloy sa kolehiyo. Magandang proyekto ang scholarship programs para sa A&E passers upang makapag-aral sila sa kolehiyo. |
2014 Partners and Service Providers
Naririto ang mga partners at service providers ng ALS Lopez West sa taong 2014.
Institution
Philippine Normal University (PNU) South Luzon Lopez, Quezon University of the Philippines (UP) Diliman College of Education Diliman, Quezon City Hilot & Massage Practitioners Association (HilMaPA) of Lopez Lopez, Quezon E-Mylez Computer Center Lopez, Quezon Student Catholic Action of the Philippines (SCAP) Lopez Chapter Lopez, Quezon |
Focal Person
Dr. Edgardo S. Villasenor (Executive Director) Prof. Amor F. Loniza (Head, GAD) Prof. Maria Mercedes Arzadon (Coor, MA-NFE/ Altenative Learning Course) Mrs. Flordeliza M. Argamosa (BOD) Mr. Rizalde S. Meriel (President) Mrs. Aderliza C. Oliveros (Owner) Mr. Dexter Ferreras (South Luzon Coor) Ms. Zara Flores Ms. Mara Del Prado (Partnership Coors) |
Nature of Partnership
Project LEAdS 2014 Launched a Seminar in ALS, Five (5) Free Skills Training Programs, I-LEAP (Individual Learning Assistance Program) for A&E Learners, Exhibit Fair 2014 Workshop & Forum Launched an Essay Writing Workshop for ALS A&E Learners and a Forum on Emerging Trends and Practices in ALS Skills Training Launched a Free Training on Hilot (Wellness Massage) NC II Venue for Skills Training Provided the computer sets & venue for the training on Digital Arts & Illustrations and Basic Computer Literacy Courses Literacy Projects for Abot-Alam Program Shall establish Literacy Programs (BLP and A&E) for Out-of-School Youth & Adults in Four (4) Different Barangays in Lopez |
Nais mo na bang makibahagi sa makabuluhang gawaing ito?
Kung oo, makipag-ugnayan ka na sa amin! Maari kang mag-fill up ng mga forms na nandirito o makipag-ugnayan gamit ang mga conctact details na matatagpuan sa site na ito.
For Institutions, Organizations or Groups
|
For Individual Donors
|
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa amin sa pamamagitan ng sumusunod:
Mr. REJULIOS M. VILLENES
District ALS Coordinator Facebook: https://www.facebook.com/ilou10buds Email: [email protected] |
Office Address
ALS Lopez West Learning Center Lopez West Elementary School Bldg,1 Rosario St., Brgy. Burgos, Lopez, Quezon |
A L S L O P E Z W E S T
ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St. Brgy. Burgos, Lopez, Quezon * 0912-615-3725 * [email protected]
Site Developed by Learners' Web Development Team (c) 2014
ALS Lopez West Learning Center, LWES Bldg.1, Rosario St. Brgy. Burgos, Lopez, Quezon * 0912-615-3725 * [email protected]
Site Developed by Learners' Web Development Team (c) 2014